February 11, 2016

Tampuhan Café and Bed and Breakfast

“Hindi habang buhay kaya kong magpretend na hindi ako nasasaktan. Ano ako Yakult? Everyday OK.”
- Unknown



Ang pagtatampo ay isang expression of love. May iba’t-ibang uri ng tampo –may  mababaw, may malalim, at may simpleng pag-iinarte lamang. Pero bakit nga ba nagtatampo ang isang tao? Isang bagay lang ang madalas sanhi nyan– nasaktan mo siya. Dahil mahalaga ka para sa kanya,  minsan kahit anong gawin o hindi mo gawin, malaking bagay para sa kanya. 









May scientific finding ang pagtatampo, dahil nasa sinapupunan pa lamang ang isang tao binibigay na ng kanyang ina ang mga bagay na kailangan niya kahit hindi niya tahasang hinihingi. At balang araw, pag nagmahal na siya, gusto rin niya na mahalin siya the way he or she deserves to be loved, without articulating it.



Maraming bagay para suyuin ang isang nagtatampo. Karamihan sa nababasa ko ay simpleng paglalambing. Sabi naman ni Rey Valera “at kahit na may pagkukulang ka, isang halik mo lang, limot ko na.” Pero pinaka-importante pa rin sana na pag-usapan ang ugat ng tampuhan.



Taal volcano crepe

Pesto tinapa

Pepperoni pizza

Mocha latte



A local artist’s rendition of Juan Luna's “Tampuhan”


Saan? Maganda siguro sa Tuscany para sureball na pansinin ka talaga pero kung masyado namang malayo yun pwede na siguro sa isang coffee shop sa Batangas na tinayo para sa mga mag-sing irog na nagkatampuhan. Yung gaya ng sa masterpiece ni Juan Luna. Pakiramdam ko hindi napagbigyan ng lalaki yung kagustuhan ng babae or vice-versa kaya sila humantong sa tampuhan, pero sa isip-isip ng nagtatampo, “hindi ko naman hihilingin sa iyo ang isang bagay, kung alam kong hindi mo ito kayang ibigay”.      

Tampuhan Café and Bed and Breakfast
Calle Marcela Agoncillo, Poblacion 6
Taal, Batangas
Tel. No.: 0917-8903566

No comments:

Post a Comment